Friday, September 25, 2015



Social Media sa buhay ng Tao

Ang social media sa buhay ng tao
Malaking tulong ang naibibigay nito
Saang dako ka man ng ating mundo
Sadyang maaabot ka nito.

Kapamilya, Kapuso, o Kapatid man kayo
Wala sa channel ang paggamit dito
Sa ngayong henerasyon ng ating mundo
Dapat maging mapagmatyag din tayo.

Social media gamitin ng wasto
Huwag gamitin sa pagsira ng ibang tao
Sa makatwid maging tulay ito
Sa pagbuo ng ating pagkatao.

Maraming epekto ang dulot nito
Pero isa lang ang masasabi ko
Social media kailangan ka sa mundong ito
Sapagkat ikaw ang kumukonekta sa iba’t ibang uri ng tao.




No comments:

Post a Comment